TALIWAS sa paniwala ng marami, peligroso sa kalusugan ng mga tao ang mga naglipanang vape sa merkado – partikular yaong mga may sangkap na marijuana oil, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa isang kalatas, nanawagan ang PDEA sa publiko na wag tangkilikin ang mga “marijuana-flavored vape products” na karaniwang isinasalya sa online market.
Katunayan pa anila, dumadami ang mga nasasabat ng “marijuana-induced vape products” na kanilang nakumpiska sa mga nakalipas na operasyon kontra-droga sa iba’t ibanng panig ng bansa.
Kamakailan lang, dalawa katao ang dinakip ng ahensya sa magkahiwalay na anti-drug operation sa lungsod ng Taguig kung saan kabilang sa mga narekober na ebidensya ang hindi tinukoy na dami ng cannabis oil, marijuana kush, at iba’t-ibang uri ng vaping devices na may kabuuang halaga na umabot sa P842,000.
Sa isa pang operasyon kasama ang Bureau of Customs sa Maynila, nasabat din ang 18 balikbayan boxes na kargado ng cannabis oil at marijuana kush na nakakubli sa loob ng kontrabandong naglalaman ng P337-milyong halaga ng e-cigarettes.
“The selling and smuggling of marijuana oil-cartridges indicate that there is a growing domestic demand for these products. Considering that the vaping culture is predominantly popular among the youth, PDEA is wary that these cannabis extracts can pass off as a legitimate vape aerosol in the market and sold to the younger patrons,” pahayag ng PDEA.
“PDEA warns the public not to patronize marijuana-laced e-cigarettes because of the health hazards involved, and most importantly the law explicitly prohibits it. The proliferation of these illicit items can also expose unknowing customers to be addicted to marijuana,” dagdag pa ng ahensya.
Mungkahi ng PDEA sa mga kinauukulan sangay ng gobyerno, higpitan ang pagbabantay sa mga retailers at importers ng vape na karaniwang gamit ng mga kabataan.
