PALAISIPAN sa lokal na pulisya ang sunod-sunod na pagka diskubre ng iba’t-ibang bahagi ng katawan ng tao sa kahabaan ng Cavite–Laguna Expressway (Calax) sa bahagi ng Silang, Cavite.
Sa pinakahuling insidente, pugot na ulo at dalawang hita ng tao ang tumambad we westbound lane ng naturang lugar.
Ayon sa lokal na pulisya, nakabalot sa black garbage bag ang mga naaagnas na hita na natagpuan dakong alas 2:30 ng hapon noong Biyernes sa
sapang bumabaybay sa kahabaan ng Calax na sakop ng Barangay Kaong.
Nakita naman ang pugot na ulo kinabukasan malapit sa bahagi ng Calax kung saan nakita ang dalawang hita.
Bago pa man natagpuan ang pugot na ulo, una nang napaulat noong nakaraang linggo ang nadiskubreng katawan ng tao na kalaunan ay kinilala ng mga kaanak base sa mga tattoo sa dibdib.
