HINDI na nagawa pang isugod sa pagamutan ang 17 katao sa loob ng naglalagablab na van matapos sumalpok sa isang dump truck sa Barangay Luhong, bayan ng Antipas, sa lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa mga kumpirmadong nasawi sa insidente sina Nonoy Bunda, Ryse Vince Lopez, Coco Pojas, Kimberly Shane Armada, Irish Lopez at Jenivive Vicente.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng dump truck na kargado ng panambak ang kahabaan ng highway nang mawalan di umano ng preno hanggang sa salpukin ang van. Sa lakas ng pwersa sa salpukan, nagpagulong-gulong di umano ang van hanggang sa nagliyab habang tumagilid naman ang dump truck.
Kwento ng ilang saksi, nakalabas pa kahit na nasusunog ang 11 iba pang pasaherong sa kalsada na binawian ng buhay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.
