Ni LILY REYES
HINDI pa man makahulagpos sa dagok na dulot ng pagtaas sa presyo ng gasolina noong nakaraang linggo, isang masamang balita ang nakatakdang sumalubong sa mga motorista pagsapit ng araw ng Martes, Abril 9, 2024.
Sa impormasyong ibinahagi ng mga oil industriya players, madadagdagan ng P1.20 ang presyo kada litro ng gasolina, habang P1.40 kada litro ang inaasahang umento sa presyo ng krudo.
Maging ang kerosene na karaniwang ginagamit sa pagluluto ng pagkain ng mga pangkaraniwang pamilyang Pilipino, tatas din sa antas ng P1.30 kada litro.
Katwiran ng mga kumpanya ng langis, dikta ng galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ang dahilan kung bakit kailangan magtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
