MATAPOS ang 14 na taon ng pagtatago, arestado sa Tayabas City sa lalawigan ng Quezon ang isang dating kasambahay na suspek na di umano’y nagregalo ng bombang kumitil sa buhay ng amo.
Ayon lokal lokal na pulisya, hindi na nagawa pang pumalag ng suspek ng kinilala sa pangalang Rhea Coroza Dalde nang ihain ang mandamiento de arrestong inilabas ng Pasig Regional Trial Court kaugnay ng kasong pagpatay kay Yvonne Geraldine Giselle Padilla-Chua –ang dating amo ng akusado.
Sa naantalang ulat ng Tayabas Police Station, nadakip ang suspek na tinaguriang most wanted person (provincial level) Sabado ng madaling araw sa Barangay Lalo, saTayabas City.
Sa rekord ng korte, taong 2010 nang padalhan di umano ng suspek ang biktima ng isang regalo sa opisina ng amo sa Paranaque City. Nang iuwi ni Padilla-Chua ang regalo. Kinabukasan, sumabog ang regalo matapos buksan ng biktimang agad na binawian ng buhay bunsod ng insidente.
Bukod kay Padilla-Chua, sugatan din ang anak na babae.
Hhbang nasa kustodiya ng pulisya, inamin ni Dalde ang krimen. Gayunpaman, hindi lamang aniya siya ang salarin, kasabay ng pagnguso sa dalawang kamag-anak ng biktima.
Nakatakdang i-turn-over ang suspek sa kustodiya ng Pasig City RTC.
