TODAS sa mga listong operatiba ng lokal na pulisya ang limang miyembro ng sindikato sa likod ng serye ng pagnanakaw sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, nasawi sa engkwentro ang limang hindi pinangalanang suspek na umano’y piniling nakipag palitan ng putok sa mga pulis.

Ayon kay Lieutenant Colonel Alexie Desamito, hepe ng Bacoor City Police, ang nangyaring engkwentro dakong 1:00 ng hapon sa Molino III.

Ani Desamito, nakatakdang pasukin ng mga armadong suspek ang isang bahay sa loob ng isang private subdivision. Lingid sa kaalaman ng  mga napaslang na suspek na nakaabang na ang mga pulis matapos maghinala ang security guard na agad humingi ng tulong sa lokal na pulisya.

Hindi pa man ganap na nakakalapit sa target ng bahay, agad umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek sa mga nakaabang na pulis na agad na gumanti ng putok. Ilang sandali pa, bulagta ang limang lalaki.

Ayon kay Col. Desamito, matagal na rin umanong minamanmanan ng pulisya ang grupo na sinasabing sangkot sa panghoholdap at kidnap for ransom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *