Ni LOUIE LEGARDA LABING-ISA sa 19 may ari ng sasakyang nasunog kamakailan sa parking area ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport ang naniningil sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA). Pag-amin ni Atty. Chris Bendijo na tumatayong head executive assistant nu MIAA general manager Eric Ines, nakatanggap na ng sipi ng demand letter mula sa mga may-ari ng nasunog na sasakyan. Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa P20 milyon ang halaga ng 19 na nasunog na sasakyan sa parking area ng NAIA Terminal 3 nito lamang nakalipas na Lunes ng hapon. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa naturang insidente. Kabilang sa masusing sinusuri ang CCTV footage sa naturang bahagi ng paliparan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation BELMONTE: ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA MARALITA SA QC QCPD COLONEL NANGGIGIL, POLICEWOMAN MINANYAK