PARA kay Senador Panfilo Lacson, hindi malayong sampahan ng kaso at ipaaresto ang 18 Marines na nagbigay ng testimonya sa pagdinig na ipinatawag ng tinawag niyang ‘pekeng blue ribbon committee.’
Partikular na tinukoy ni Lacson ang pagdinig na pinangasiwaan nina blue ribbon sub-committee chairman Senador Rodante Marcoleta at Senate President Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ni Lacson, walang parliamentary immunity na maaaring gamitin ang mga lumahok sa pagdinig, kabilang ang mga senador mula sa minority bloc.
Ang dahilan — hindi opisyal ang pagdinig ng minority bloc kaugnay ng flood control scandal.
“They can be charged, possibly for cyber libel and other crimes since it was a bogus hearing and no parliamentary immunity may be invoked, not even the senators who participated,” ani Lacson.
Biyernes nang nagsagawa ng pagdinig ang minority bloc sa session hall ng Senado, kung saan dumalo ang 18 indibidwal na nagpakilalang mga dating sundalo sa ilalim ng Philippine Marines ang umamin na sila ang naghatid ng mga maletang naglalaman ng pera sa ilang personalidad.
Bukod sa mga nagbigay ng testimonya, target din sampahan ng kasong usurpation of authority sina Senador Pia Cayetano at Rodante Marcoleta, alinsunod sa Article 177 ng Revised Penal Code.
“Only if the SC will overturn the Avelino vs Cuenco ruling and invalidate the action taken by the 12 senators last Wednesday, those who were offended in yesterday’s event have a good case,” dagdag pa niya.
