TULOY ang pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 8, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa isang kalatas, nilinaw ng departamento na fake news ang kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y anunsyo sa pagpapaliban ng unang araw ng klase.
Batay sa naturang Facebook post, iniusad umano sa Hunyo 15 ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Paalala ng kagawaran sa publiko, maging mapanuri sa mga impormasyon sa social media, kasabay ng mungkahing agad na ipagbigay alam sa awtoridad ang kahina-hinalang anunsyo, higit lalo sa suspensyon ng pasok sa eskwela.
