
PARA tiyakin ang maayos na pagdaraos ng nalalapit na halalan sa Mayo, agad na pinunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga pwestong binakante ng mga dalawang commissioners na kapwa nagretiro na a serbisyo sa gobyerno.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, pirmado na ng Pangulo ang appointments nina Atty. Noli Pipo at Atty. Maria Norina Tangaro-Casingal bilang mga bagong Comelec commissioner.
Pinalitan ni Pipo si Commissioner Marlon Casquejo na sumapit na sa mandatory retirement age. Si Pipo ay ang regional director ng Comelec sa Region 8 at 1.
Humalili naman si Casingal kay Commissioner Socorro Inting na nagretiro na rin noong Pebrero 2. Sa kalatas ng poll body, 27 taon nang nagtatrabaho sa Comelec si Casingal.