SA gitna ng kabi-kabilang patutsada kaugnay ng pagpapatawag ng special session ng Senado, nanindigan si Senate President Francis Escudero na sa Hulyo pa posibleng magsimula ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
“Most likely when the new Congress already enters into its functions. That means after SONA (StAte of the Nation Address). So I think SONA is on July 21. So the trial will commence after that date,” wika ni Escudero sa pulong-balitaan sa Senado.
Petsa Pebrero 5 nang pagtibayin ng Kamara sa bisa ng lagda ng 215 kongresista ang impeachment complaint laban kay VP Sara.
Hindi rin nagpatinag ang lider ng Senado sa pasaring ng mga kongresista at “legal opinion” ng mga batikang abogado.
“I have already said I have no intention of requesting the President for a special session. Hindi ito isa sa mga bagay na dahilan para magpatawag ng special session ang Senado,” ani Escudero.
