Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KUNG pagbabatayan ang bilang ng mga kongresistang miyembro, kontrolado na ng partidong Lakas – Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang Kamara.
Ito ay matapos manumpa sina Cagayan 1st. Rep. Ramon Nolasco Jr. at San Juan City Rep. Maria Ysabel Zamora bilang mga bagong kasapi ng partido.
Sa datos ng Kamara, umabot na sa 105 ang kabuuang bilang ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang bahagi ng partidong pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa isang simpleng seremonya, personal na pinangasiwaan ni Romualdez na tumatayong Lakas-CMD president ang oath-taking nina Nolasco at Zamora gayundin ng 32 iba pang incumbent at former officials, at mga politokong target kumandidato sa nalalapit na 2025 midterm election.
Para kay Romualdez, ang pagdami sa bilang ng Lakas-CMD members ay patunay ng lumalawak na suporta ng Kongreso at maging sa tinatawag na grassroots level sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama na sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas ng huli.
“Working together, we shall present a potent force in support of the Agenda for Prosperity of President Ferdinand R. Marcos, Jr. and the realization of his vision for inclusive growth under a ‘Bagong Pilipinas,” pahayag pa ng lider ng Kamara.
Bago ang pagsanib ng Cagayan lawmaker at San Juan City lady solon, nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD sina Benguet Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas; Manila City Mayor Honey Lacuna at Manila Rep. Joel Chua; Isabela Rep. Ed Christopher Go, at former Marikina Rep. Miro Quimbo.
Sa hanay ng local politicians, ang maybahay ni late-Negros Oriental Gov. Roel Degamo, na si Pamplona Mayor Janice Degamo at 11 local chief executives, kasama ang 12 iba pang local officials at aspirante ang pormal na nanumpa sa Lakas-CMD kahapon.
Kabilang din sa bagong batch ng mga bagong kasapi ng partido sina former Cagayan Congressman Ramon Nolasco Sr., Vice Mayor Matthew Nolasco ng Gattaran, Cagayan; Vice Mayor Miguel M. Zayco ng Kabankalan City, Negros Occidental; Board Members Joemar Cerebo at Ivy Dalumpines ng North Cotabato; Vice Mayor Ralph Ryan Rafael at councilors Mylene April Babol, Christopher Barraca, Rommel Varga, at Lesslie Bonjoc, ng Matalam, North Cotabato.
Pito pang municipal councilors ng Banisilan at North Cotabato ang nanumpa, kasabay ang pitong municipal aspirante sa posisyon ng konsehal sa Matalam.
Nanunumpa rin sa harap ni Romualdez sina Cabadbaran City Mayor Judy C. Amante, Santiago Mayor Zenaida C. Lim, Jabonga Mayor Napoleon M. Montante, Kitcharao Mayor Jenry E. Montante, Tubay Mayor Kimmy L. Beray, R.T. Romualdez Mayor Richard P. Daquipil, Magallanes Mayor Cesar C. Cumba Jr., Las Nieves Mayor Karen S. Rosales, Nasipit Mayor Roscoe Democrito B. Plaza, Buenavista Mayor Joselito T. Roble, at Carmen Mayor Ramon M. Calo, pawang mula sa Agusan Del Norte.
Maging sina Vice Mayors Ma. Isabel L. Sagarbarria (Dumaguete City), Fernando Dolar (Santa Monica at Jeasa C. Gonzales (Pilar) kapwa ng Surigao del Norte at Councilor Jerry D. Madera ng Mainit town ay sumanib din sa Lakas-CMD.
