TULUYAN nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2027 National Expenditure Program (NEP) na binalangkas ng Department of Budget and Management (DBM) para national budget sa susunod na taon.
Matapos ang seremonya sa Malacañang, inatasan ng Pangulo ang DBM na makipag-ugnayan sa Kongreso para sa napipintong pagsusumite ng 2027 NEP pagkatapos ng ikaapat na State of the Nation Address ni Marcos sa Hulyo 27.
Gayunpaman, tumanggi ang Presidential Communications Office (PCO), magbahagi ng detalye sa nilalaman ng 2027 NEP.
“On the total amount and other details, we do not want to pre-empt the President’s budget submission to Congress,” wika ni PCO Secretary Dave Gomez.
Una nang inilutang ng DBM ang pagsusulong ng P7.2-trillion budget para sa susunod na taon — mas mataas ng P407 bilyon kumpara sa P6.793 trillion na inilaan para sa kasalukuyang taon.
