
SA gitna ng implementasyon ng rice importation ban, nagawa pa rin palusutin sa mga pantalan ang hindi bababa sa 340,000 toneladang bigas mula sa ibang bansa.
Sa isang kalatas, kinastigo ng Federation of Free Farmers (FFF) ang Department of Agriculture (DA) sa umano’y hayagang pagsuway sa umiiral na importation ban na inilabas ng Palasyo bilang proteksyon sa mga magsasakang Pilipino.
Ayon kay FFF chairman Leonardo Montemayor, ikinakasa na rin ng mahigit 2.5 milyong magsasaka ang kilos-protesta sa susunod na mga linggo dahil sa aniya’y kabiguan ng kagawaran tumugon sa petisyon kaugnay ng karagdagang taripa sa imported rice.
Bukod sa DA, dawit din aniya ang Bureau of Customs (BOC) na nagbigay daan para makapasok ang sa bansa ang mahigit 340,000 toneladang bigas sa kabila ng rice importation ban ni inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ibinahagi rin ni Montemayor ang ikinakasang ng kaso laban kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. (LILY REYES)