IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang kasong estafa na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa apat na doktor ng Tri City Medical Center sa Pasig City, kaugnay ng maanomalyang Interim Reimbursement Mechanism sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa 24-pahinang resolusyon, iginiit ng DOJ Panel of Prosecutors na walang nilabag na probisyon sa ilalim ng National Health Insurance Act of 2013 ang mga doktor na sina Gjay Ordinal, Enrico Cruz, Froilan Antonio de Leon, at Lourdes Rhoda Padilla.
Abswelto rin sa indulto ang mga hospital staff na sina Cherry Flores, Arlene Sebuc, at Svend Rances.
Taliwas sa pratang ng NBI, lumalabas na walang kinalaman ang mga pinaratangan doktor sa sinasabing pamemeke ng mga ‘claim documents’ na isinumite sa PhilHealth.
Wala rin di umanong alam ang mga doktor na galing sa ‘fraudulent claims’ ang ‘lump sum professional fee’ na ibinayad sa kanila.
Katunayan pa ayon sa DOJ, ang mga inakusahang doktor pa nga diumano ang sumbong sa PhilHealth sa nadiskubreng irregularidad matapos magsagawa ng sariling imbestigasyon sa ‘fraudulent claims’ ng 12 pumanaw na pasyente.
Gayunpaman, tuloy ang 53 kasong falsification laban kay Rances, batay sa hablang inihain ni Ordinal.