SINAMPAHAN na ng kaso ng Department of Agriculture ang 40 umano’y onion smugglers sa bansa.
Sa Senate Finance subcommittee hearing, sinabi ni DA Assistance Secretary James Layug na 20 consignee rin ang nasa listahan ng mga nakatakdang kasuhan ng paglabag sa mga probinsyong kalakip ng Republic Act 10845 (Customs Modernization and Tariff Act).
“Right now, we have already filed 40 cases under the Anti-Agriculture Smuggling Law, another 10 under the Food Safety Act, and one more under the violation of the meat code,” dagdag pa nito sa pagharap sa P197.84 bilyong panukalang budget sa 2024.
Ang mga kaso ay naghihintay na lang sa resolusyon ng iba’t ibang prosecutor’s office, kabilang sa Bataan, Maynila at Batangas.
“We are also coordinating with the special prosecutor’s office created by the DOJ specifically for handling smuggling cases,” dagdag pa ni Layug.
