KUNG pagbabatayan ang pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), halos kalahati ng 110 milyong Pilipino ang tikom ang bibig sa mga kapalpakan at katiwalian sa pamahalaan sa takot na mapagbalingan.
Sa isinagawang pangangalap ng datos ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14 ng nakalipas na taon, lumalabas na mayorya sa mga kinapanayam na respondents ang naniniwalang malalagay ang kanilang buhay sa peligro sa sandaling batikusin ang mga nakaupo sa gobyerno.
Batay sa resulta ng pagtatayang halaw sa sagot ng mga lumahok sa survey, 47% ng Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang mapapahamak lang sila kapag nagsalita laban sa pamahalaan – “It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth.”
Nasa 27% ang wari’y hindi makapagpasya habang 26% ang kontrapelo.
“The resulting net agreement score of +20 (% agree minus % disagree, correctly rounded), classified by SWS as moderate, is 4 points below the moderate +24 (46% agree, 22% disagree) in December 2021,” pahayag ng SWS.