NI ROMEO ALLAN BUTIYAN II
LUBHANG ikinadismaya ng Kamara Representantes ang liham ni pinadala sa Commission on Audit (COA) ni Atty. Zuleika Lopez na tumatayong chief of staff ni Vice President Sara Duterte.
Para sa militanteng ACT-Teachers partylist Rep. France Castro, isang hayagang pambabastos sa institusyon ng lehislatura ang aniya’y utos ni Lopez sa COA na huwag bigyan ng kopya ng anumang dokumento sa House Committee on Good Government and Public Accountability na nag-iimbestiga sa di umano’y paglustay ng hindi bababa sa P612 milyong confidential funds sa mga tanggapang pinamumunuan ni Vice President Duterte.
“According to our rule, one of the reasons is the undue interference in the conduct of proceedings so may I move Mr. Chair,” hirit ni Castro, na agad namang sinang-ayunan ng komiteng pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua.
Gayunpaman, nakiusap ang abogado ng pangalawang pangulo sa komite.
“I truly apologize if there was something in that letter that slighted you on a personal note. It was not my intention, your honor. I deeply apologize and I wish and I hope that you would consider my apology,” ani Lopez.
Agad naman tinanggap ng partylist congresswoman ang paumanhin ni Lopez.
“However in the totality of the discussion from 10 am up to now nakita natin Mr. Chair very evasive yung mga sagot ni Atty. Lopez,” dagdag pa ng lady solon.
“Considering the health nung ating resource person nakita naman natin siya kanina. Naging matiyaga rin naman siya sa pagsagot sa atin. We will have the next meeting sa November 25 so I move Mr. Chair na hanggang November 25,” pangwakas ni Castro.
