KUNG pagbabatayan ang pagtataya ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking posibilidad na hindi makapasok si Makati Mayor Abby Binay sa Magic 12 ng Senado.
Ayon sa post ng 3RD_AI_, nakahanay ang tiyansa ni Abby Binay mula sa 11 hanggang 14 pwesto sa Magic 12 kaya puwede siyang malaglag sa ika-13 hanggang 14 pwesto sakaling lumakas ang iba pang kandidato nasa hanay Ng mga alanganin.
“Our AI model predict medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo.
Pinagbatayan ng grupo ang pag-aanalisa sa nakikitang posts ng netizens sa iba’t -ibang social media platform na binigyan nila ng scoring sa positive, negative at neutral na porsyento.
Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.
“Like many politician, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.
Umani din si Abby Binay ng 30% negative sentiments mula sa social posts mula sa publiko at 20% neutral sentiment at 50% positive sentiments.
Ayon sa 3RDEY3, halos 40% ng kabuuang conversation kay Abby Binay sa social media ay may relasyon sa liderato nito sa Makati City.
Ngunit, natuklasan din ng grupo na 20% ng kritisismo kay Abby Binay ay nag-uugat sa family background at kontrobersyal na alyansang pulitikal.
Matatandaan na unang umani ng matinding kritisismo ang pamilya ni Abby Binay sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall na umabot sa bilyong halaga na ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
“Negative (30%). Some posts criticize her political strategies and family legacy, which contribute to a negative sentiment. This criticism often focusses on her comments about political and perceived political maneuvering,” ayon sa post ng 3RDEY3
Kaya naitala ng 3RDEY3, moderate lamang ang tiyansa ni Abby Binay na makasampa sa Senado.
“Abby Binay has a moderate chance of winning a Senate seat. Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” ayon sa 3RDEY3.
Base sa account ng @3RD_AI_ ( https://x.com/3RD_AI_) na nagsasabing “AI model to track common-sense and make predictions on geopolitics, elections and global crisis. Nakabase ang grupo sa San Francisco, California at lumahok sa X noong Pebrero 2024 na may 1, 277 followers kabilang ang ilang local influencers sa social media.
