TALIWAS sa mga nakalipas na panahon, Chinese militia vessel na ang ginagamit ng China sa agresyon sa mga sasakyang dagat ng Pilipinas sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ginawang pambabarako ng China kamakailan sa nagpapatrolya barko ng nasabing ahensya sa Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).
Sa ulat ng BFAR, nagtamo di umano ng pinsala ang BRP Datu Cabaylo matapos sagiin ng barko ng China noong Oktubre 11.
“At around 0745H, as BRP Datu Cabaylo was slowly approaching Pag-asa Sandy Cay 4, Chinese Maritime Militia vessel with bow number 00108 deliberately sideswiped the BRP Datu Cabaylo at the starboard bow, or the front right portion of the Philippine vessel,” saad sa kalatas ng BFAR.
Ayon kay BFAR Spokesman Nazario Briguera, may sinusunod na panuntunan ang ahensya sa ginagawang pambabarako ng China sa West Philippine Sea.
Pag-amin ni Briguera, nalagay sa panganib ang kaligtasan ng BFAR personnel bunsod ng naturang insidente.
