KASABAY ng ipinagmamalaking pag-usad ng ekonomiya, pumalo naman sa P16.68 trilyon ang utang ng bansang Pilipinas, ayon sa datos ng Bureau of Treasury (BTr).
Sa impormasyong ibinahagi ng BTr, lumalabas na panibagong “record-high sovereign debt” na naitala noong buwan ng Abril ay higit na kailangan ng pamahalaan para pondohan ang mga makabuluhang proyekto at programa ng gobyerno.
“The government continues to follow a disciplined debt strategy, ensuring that borrowings support productive investments while keeping fiscal sustainability,” saad sa isang pahayag ng BTr.
“With the economy continuing to grow faster compared to its obligations, the country remains firmly on track to reduce the debt-to-GDP ratio to below 60% by the end of the President’s term,” dugtong ng kawanihan.
Sa pagtataya ng mga ekonomista, lumalabas na ang bawat Pilipino, kabilang ang mga bagong silang na sanggol, ay may utang na P145,217,391.30 — base sa populasyong 115 milyon. (JIMMYLYN VELASCO)
