
KASABAY ng pagpasok ng election period, limang heneral ng Philippine National Police ang inilipat ng pwesto apat na buwan bago ang takdang araw ng mandatory retirement ni ni PNP chief Rommel Marbil.
Sa kalatas ng pambansang pulisya, kabilang sa apektado ng balasahan sina National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Major General Melencio Nartatez Jr. na itinalaga bilang acting PNP Deputy Chief for Administration.
Hinirang naman sa lilisaning pwesto ni Nartatez si Major General Sidney Hernia bilang NCRPO director. Pasok din sa rigodon si Brigadier General Benjamin Sembrano na itinalaga bilang Acting Director ng Forensic Group.
Ibinigay naman kay Brig. Gen. Constantino Chinayog ang pagiging Acting Director for Personnel and Records, habang Acting Deputy Director for Administration ng Central Luzon PNP Colonel Jeffrey Decena.
Epektibo ang balasahan sa Miyerkules, Oktubre 9.