
PORMAL nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para senador si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.
Sa kanyang mensahe, humingi ng suporta ang dating broadcast journalist kasabay ng pangakong isusulong ang kalpakanan ng mga maralita tulad ng kanyang aniyang ginawa bilang miyembro ng KAmara.
Sakali aniyang wala siyang nagawa sa sa loob ng tatlong taon, kusang-loob siyang magbibitiw bilang senador — yun ay kung mananalo umano siya sa nalalapit na halalan sa Mayo ng susunod na taon.
“Kapag wala akong nagawa from 2025 to 2028 then I will step down,” anang mambabatas.
Kabilang sa plataporma ni Tulfo ang mga batas na para sa tinawag niyang middle class, makatarungang umento sa sahod, dagdag benepisyo at retirement benefits para sa mga nasa pribadong sektor.
Sa mga nakalipas na pre-election senatorial surveys, nangunguna si Tulfo sa mga nais ilulok sa pwesto ng mga Pinoy sa senado.
Samantala, nagkibit-balikat si Tulfo ang pinupukol sa isyu kaugnay ng political dynasty. Aniya, dapat hayaan ang mga mamamayan ang magpasya sa kahihinatnan ng halalan. (CESAR MORALES)