PABOR si Finance Secretary Benjamin E. Diokno kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan bilang “strong contender” para sa papel ng Department of Agriculture (DA) chief.
Sinabi ni Diokno na pamilyar si Balisacan sa agricultural sector at ang kanyang malawak na karanasan ay malaking tulong sa ahensiya.
Sa Chat with SBED nitong Biyernes, pinalitaw ng mga mamamahayg ang ideya na si Balisacan ang posibleng italagang agriculture secretary, ang mungkahi na ayon kay Diokno ay isang “sound proposal.”
Sinabi ni Diokno na maraming beses na niyang inendorso si Balisacan at naniniwalaang angkop ito sa pagiging agriculture secretary.
Si Balisacan ay dating agriculture undersecretary sa termino ni dating senator Edgardo Angara at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kapwa naging DA secretaries.
Gayundin, akma ang educational background ni Balisacan sa kanyang credentials, na nakumpleto ang kanyang undergraduate studies in Agricultural Economics sa Don Mariano Marcos Memorial State University bago muling mag-aral sa University of the Philippines Los Baños.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasalukuyang chief DA, na hindi siya magtatalaga ng kalihim hangga’t hindi pa niya natatapos ang “all the hard things.”