
UMAABOT sa P2 milyon ang isinampang civil complaint ni broadcast journalist Atom Araullo laban kina dating Anti-Insurgency Task Force spokesperson Lorraine Badoy at host Jeffrey Celiz dahil sa umano’y pag-red tagging kay Araulo at sa pamilya nito na iniere sa TV show nina Badoy.
Kasama ni Araulo si Atty. Tony la Viña at mga magulang nang magtungo sa
Quezon City prosecutor’s office ngayong Lunes.
Nagsampa rin ng katulad na reklamo ang ina ni Araulo, ang Bagong Alyanang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Pagaduan Araullo.
Inakusahan nina Badoy at Celiz noong nakaraang buwan ang mag-ina na umano’y nakasira sa kanilang pangalan at organisasyon.
Si Badoy ay nagsilbing assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development sa administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte at nagging spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).
Sumabit din si Badoy noong nakaraang taon sa grupo ng mga abogado at law school deans sa mga post nito sa Facebook laban sa isang Manila RTC judge kung saan hiniling sa Supreme Court na kasuhan ito ng indirect contempt,
Tinanggal ni Badoy ang post sa Facebook sabay tanggi na wala siyang ginawa o sinabi laban sa judge na nagbasura sa petisyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA bilang terrorist organization.