PAGKATAPOS ng limang magkakasunod ng linggong puno ng pasakit sa mga motorista, baryang rollback ang bwelta ng mga kumpanya ng langis sa bisperas ng bagong taon.
Sa kalatas ng Department of Energy (DOE), magkakaroon ng 65 sentimos na bawas sa kada litro ng gasolina habang 53 sentimos na tapyas naman sa kada litro ng diesel at 87 sentimos na kaltas sakada litro ng kerosene.
BAgamat nananatiling mahina ang palitan ng piso kontra dolyar, nilinaw ng DOE na ang mataas na suplay ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan ang nagbigay-daan sa kapirasong rollback.
Karaniwang palusot ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa tuwing magpapataw ng dagdag-presyo sa mga binebentang produktong petrolyo ang hidwaang kinasasangkutan ng mga oil-producing countries, limitadong supply at paghina ng piso kontra dolyar.
