IGINIIT ni ranking House lady official at Solid North Partylist Rep. Ching Bernos na dapat agad na winawasak ang mga nasasabat na smuggled cigarettes at iba pang ilegal na produktong gawa sa tabako para hindi na makarating pa sa merkado.
Kasabay nito, nanawagan si Bernos, na tumatayong vice-chairperson ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, na mas paigtingin ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang kampanya laban sa ilegal na pagpapasok sa bansa ng iba’t-ibang tobacco products.
“The proliferation of illicit tobacco products is a threat not only to farmers’ livelihood, but also to tax collection and public health initiatives that depend on these.” diin ng partylist solon.
“Illicit tobacco products are hazardous to health, endanger the jobs of farmers, and curtail the government’s ability to fund universal healthcare because of unpaid taxes,” dugtong niya.
Umaasa rin si Bernos na “tuloy-tuloy ang pag-usig sa mga responsable sa pagpasok ng mga iligal na produkto at pagseguro na sila ay mapapanagot sa batas.”
Kamakailan ay aabot sa kabuuang halaga na P2.5-bilyong ilegal na sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa Malabon City at Batangas, na ikinalugod at pinapurihan ng lady lawmaker.
“Malaki po ang maitutulong nito sa pagprotekta ng kabuhayan ng mga magsasaka sa Hilagang Pilipinas.”
