NGAYONG dalawang taon na lamang ang natitira sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas makabubuti ituon na lamang ang lahat ng hakbangin para sa maaayos na takbo ng gobyerno at pagresolba sa mga bagay na nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.
“With the current economic and social volatility, our efforts should prioritize stability and resolving widespread issues like rising commodity prices and healthcare affordability,” pahayag ni House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina City Rep. Miro Quimbo.
Ang pahayag ay ginawa ng House panel head bilang reaksyon na rin sa pagtanggap ng Kamara sa kauna-unahang impeachment complaint na inihain laban kay Presidente Marcos.
Ayon kay Quimbo, matibay ang paglalayon ng pamunuan ng Kamara na isulong ang continuity o patuloy na pagganap ng administrasyon sa mga tungkulin at pagrespeto sa mandatong mula sa mga sambayanan.
“The government institutions should focus on keeping the machinery of governance running smoothly rather than engaging in moves that could cause unnecessary disruption,” dagdag pa ng Marikina City lawmaker.
“With two years left in the administration’s term, let us keep our government functioning smoothly instead of causing needless disruption,” dagdag ng kongresista.
Ani Quimbo, sang-ayon siya sa itinatakda ng impeachment process bilang isang “constitutional remedy of last resort,” subalit nagbabala sa posibilidad na gamitin ang proseso bilang “political weapon” para sa hindi mabuting layunin.
“Impeachment is a remedy, not a weapon. It remains as a constitutional mechanism to address grave violations, but we cannot allow our constitutional processes to be hijacked by those seeking to manufacture crises where none exists.” (ROMER R. BUTUYAN)
