MATAPOS lumisan ang mga tropang Amerikano, balik sa “normal” ang sitwasyon sa West Philippine Sea kung saan muling nakapagtala ng insidente ng pambabarako ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army – Navy (PLAN).
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, ginitgit umano ng CCG at PLAN ang sasakyang dagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naglalayag sa direksyon ng Sandy Cay na nasa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone noong nakalipas na Biyernes, Enero 24.
Partikular na tinukoy ng bantay-dagat ng Pilipinas ang pagtataboy ng China sa BRP Datu Pagbuaya at BRP Datu Bankaw na pumalaot para sa isasagawang marine scientific survey at sand sampling.
Kwento ng mga tripulante ng BRP Datu Pagbuaya at BRP Datu Bankaw, apat na maliliit na bangka ang pinakawalan ng i-harass ang dalawang rigid hull inflatable boats (RHIBs) ng BFAR na naghahatid ng mga tauhan sa Sandy Cay.
“As a result of this continuous harassment and the disregard for safety exhibited by the Chinese maritime forces, BFAR and PCG have regrettably suspended their survey operations and were unable to collect sand samples at Sandy Cays,” ayon sa PCG.
