Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KASTIGO mayor ang isinukli ni Speaker Martin Romualdez sa pinakabagong kapangahasan ng bansang China sa West Philippine Sea kung saan nalagay sa panganib ang buhay ng sundalong sakay ng eroplano ng Philippine Air Force habang nagsasagawa ng routine patrol sa himpapawid sa ibabaw ng Bajo de Masinloc.
Partikular na tinukoy ni Romualdez ang pagpapakawala ng flares ng dalawang Chinese fighter jets sa mismong air space na tinatahak ng PAF plane.
“This latest aggressive action of China does not promote peace and stability in the West Philippine Sea and in the region. It does not speak well of a country trying to be a world power and leader,” pahayag ni Romualdez.
Para sa lider ng Kamara, hindi kailanman mareresolba ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang bansa kung paiiralin ang agresyon, panunuwag at pananakot.
Nagpahayag din ng suporta ang lider-kongresista sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tindigan ang mga tauhan ng PAF na matapang na hinarap ang panganib na dala ng China.
“We support our personnel and we thank them for their courage, bravery and patriotism for protecting our national territory and sovereignty,” saad ni Romualdez.
Hindi rin tinanggap ni Speaker Romualdez ang tugon ng China sa naturang insidente at sinabing walang legal na basehan ang huli sa pag-aangkin sa bahagi ng West Philippine Sea.
“They should not insist on this baseless claim. It is against the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), to which both the Philippines and China are signatories,” aniya pa.
Giit ni Romualdez, may karapatan ang Pilipinas sa 200-mile exclusive economic zone base sa itinatakda ng UNCLOS.
“Bajo de Masinloc is 120 nautical miles from Luzon and is clearly within our EEZ, while it is 594 nautical miles from China’s Hainan Island,” pagtatapos ni Romualdez.
