
KASTIGO ang naging katumbas na tugon ng isang militanteng senador sa di umano’y gastadong propaganda ng Chinese Foreign Ministry official sa patuloy na panghihimasok sa karagatang pasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Giit ni Sen. Risa Hontiveros kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wengbin, tantanan ang kasinungalingang bahagi ng Nansha Islands ang Ran’ai Reef.
“Beijing’s Foreign Ministry Spokesperson should stop with the lies, gaslighting, and propaganda. He is not helping his country on the world stage by insisting on these sweeping and baseless claims,” nagngangalit na pahayag ni Hontiveros.
“The commotion happened on Ayungin Shoal; not Renai Reef, not Nansha islands, and certainly not Chinese territory,” giit pa ng senador.
Ilegal na ginipit ng Chinese vessels ang Philippine Coast Guard na nasa routine resupply mission sa teritoryo ng Pilipinas, ayon kay Hontiveros.
“This is the truth. If China wants to be a responsible member of the community of nations, Wang, as Foreign Ministry spokesperson, should inform his government to genuinely abide by international law and leave Philippine territory be,” aniya pa.
Inihayag sa press conference ni Wenbin na PCG ang nanghimasok sa karagatan na sagkot ng Ren’ai Reef nang walang permiso sa China.
“In accordance with the law, the Chinese Coast Guard vessel carried out law enforcement activities to uphold China’s territorial sovereignty and maritime order. The Chinese side’s maneuvers were professional and restrained,” ayon kay Wenbin.
Sa kanyang bahagi, nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito sa patuloy na pagbibingihan ng China sa dulog ng Pilipinas hinggil sa panghihimasok nito sa teritoryo ng Pilipinas.
“This is really no longer an action of an ally or friend,” ayon kay Ejercito sa interview ng Senate reporters.
“I would agree to the preposition ni Sen. Risa to bring this issue before the UNGA (United Nations General Assembly) so that the Hague ruling could be fully enforced,” giit niya.
“We have to exhaust all diplomatic means. We cannot match their strength so it’s about time to bring this up to the UN,” ani Ejercito.