SINABI ng Beijing na hindi sila magpapabaya sakaling itulong ng Pilipinas ang planong magtayo ng permanenteng istruktura sa Ayungin Shoal, ang pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) na lumikha na ng tensiyon sa dalawang panig nitong taon.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning ang “major move” ng Pilipinas ay lubhang nakaaapekto sa soberidad ng China at hindi umano ito aatras sa anumang ‘pang-aabuso’.
“Ren’ai Jiao is an uninhabited shoal,” sabi ni Mao na ang tinutukoy ay ang Ayungin.
“According to the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea signed by China and ASEAN countries, parties should keep Ren’ai Jiao uninhabited and facility-free,” ayon pa rito.
“China will take resolute measures against any violation of our sovereignty and provocation, and firmly safeguard our territorial sovereignty and maritime rights and interests,” ayon pa sa spokesperson.
Ang Ayungin Shoal ay nasa 104 nautical miles west ng Palawan – ay nasa loob ng Pilipinas sa 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ).
Gayunman, ipinipilit ng Beijing na sa kanila ang lugar at tumatanggi sa desisyon ng 2016 landmark arbitral ruling na nagbabalewala sa pag-angkin ng China at South China Sea.
Ang plano ng Pilipinas na magtayo ng permanent istruktura ay bunsod ng patuloy na panggigipit ng China sa mga mangingisda ng Pilipinas.