INIULAT ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang kita sa buong 2023 na P8.1 bilyon
Ang kita ngayong taon ay higit na mataas kumpara noong 2022 na P7.82 bilyon.
“We appreciate and acknowledge the efforts of all LTO-NCR employees who have contributed to this outstanding revenue collection. As we enjoy our holidays, siguraduhin rin nating magiging handa ang ating opisina para sa susunod na taon at sa mga pagsubok na haharapin natin,” sabi ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III.
Sinabi ng LTO-NCR na planado na ang aktibidad ngahensiya para sa tagumpay at higit pang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Kabilang ditto ang pagtuon sa Traffic Safety Unit, seminar sa road safety seminars at iba pang inisyatibo tulad ng LTO-on-Wheels at E-Patrol.
Tiniyak din ni Verzosa na ang pagsasaayos sa LTO-NCR ay para sa publiko at tuluy-tuloy ito para sa kanila.