Ni ESTONG REYES
TALIWAS sa kumalat na balitang na-stroke at isinugod sa pagamutan si Senador Francis “Chiz” Escudero, nasa maayos ang lagay ang mambabatas, batay sa anunsyo ng kanyang tanggapan.
Bilang patunay na hindi totoo ang usap-usapan sa social media, naglabas na Live Video sa Instagram ang asawang ni si Heart Evangelista habang ginugupitan ng buhok ng barbero ang kabiyak na nakatawa habang nakaupo sa harap ng isang lamesa.
Ayon sa mga empleyado ng senador, wala silang ideya kung paano at saan nanggaling ang tinawag nilang “tsismis.”
Huwebes ng gabi nang kumalat ang balitang isinugod sa ospital si Escudero.
