HINDI lang pala si Pastor Apollo Quiboloy ang Pilipinong puntirya ng Federal Bureau of Investigation (FDI). Ayon sa FBI, pasok sa talaan ng mga most wanted sa Estados Unidos ang anak ni Mayor Rey Grabato ng bayan ng Mina sa lalawigan ng Iloilo. Sa impormasyon ng naturang ahensya, naglaan na rin ng tumataginting na $150 gantimpala ang Estados Unidos para sa impormasyon sa kinaroroonan ni Rey Grabato Jr. Hindi bababa sa 2,000 investor ang umano’y nadenggoy ni Grabato Jr. na sinasabing nasa likod ng isang investment scheme. Sa imbestigasyon ng FBI, tumataginting na $650 milyon ang nakulimbat ni grabato Jr. mula pebrero 2018 hanggang sa mabisto ang modus noong Enero 2022. Bukod kay Grabato Jr., kasama rin sa tinugis ng NBI ang umano’y kasosyong kinilala sa pangalang Thomas Nicholas Salzano. Nahaharap si Grabato Jr. sa patong-patong na federal charges, kabilang ang securities fraud, wire fraud at conspiracy to defraud the US government. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation CIF ng OVP ginamit ni Sara sa pamumulitika Operasyon kontra jumper ikakasa ng PNP at NBI