Comelec chair George Garcia

Sa gitna ng kabi-kabilang aberya, nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na “generally peaceful” na naganap na 2025 midterm election.

Katunayan aniya, walang “failure of election” sa idinaos na halalan — “Wala po tayong failure of elections whatsoever. Lahat naman po ay nag-function.” 

Paglilinaw ni Garcia, napaghandaan at nailatag ng Comelec ang lahat ng kailangan para sa halalan alinsunod sa itinakda ng batas.

“Ang ibig sabihin po ng failure of elections: Number 1, hindi dumating ang mga gamit kahit isa, so wala kang magamit. Number 2, hindi dumating ang mga teacher, so walang nag-serve as electoral board members, and it resulted to a failure to elect. Very important po yan.”

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *