MATAPOS ang anim na taon, pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang pagbawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng online news website na Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation (RHC).
Sa 48-pahinang resolusyon ng CA, nanindigan ang 7th Division na hindi pag-aari ng dayuhang negosyante ang media organization na kilala sa pagsisiwalat at pagbatikos ng anomalya, eskandalo at irregularidad sa pamahalaan.
Wala rin anilang nilabag ang Rappler sa batas na nagbabawal sa mga dayuhan magmay-ari ng media organization. Ang dahilan – isang Filipino corporation ang nabanggit na media entity.
Taong 2018 nang bawiin ng SEC ang lisensya ng Rappler dahil sa di umano sa paglabag sa foreign equity restrictions sa mass media matapos itong mag-isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa foreign investor na Omidyar Network.
Gayunpaman, ipinaliwanag ng CA na kahit may PDR ang Omidyar ay nangangahulugang pagmamay-ari na ng nabanggit na dayuhang kumpanya lalo pa’t malinaw sa isang bahagi ng kontrata sa pagitan Rappler at Omidyar ang mga katagang “kung papayagan lamang sa ilalim ng batas ng Pilipinas.”
