MINALIIT ng kampo ni dating house Speaker Martin Romualdez ang mga umano’y bagong ebidensyang nakalap ng Ombudsman laban sa dating lider ng Kamara. Sa isang kalatas, kinontra Atty. Ade Fajardo ang paandar ng Office of the Ombudsman matapos ang pormal na pagbawi ng testimonya ni retired Marine Sergeant Orly Guteza at apat na iba pang miyembro ng tinaguriang Maleta Boys. Giit ni Fajardo, hindi na pwedeng gamitin bilang ebidensya ng Ombudsman salaysay na binawi na nina Guteza at iba pang mga nagpakilalang security aide ni former Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Ayon kay Fajardo, ang pagbawi ng isang saksi sa una niyang salaysay ay nagdudulot ng “credibility issue” na dapat muna aniyang resolbahin ng mga nag-iimbestiga bago pormal na maghain ng kaso. Para sa panig ng depensa, ang pag-atras ng isang testigo at pagbasura sa naunang salaysay ay isang indikasyon ng mahinang kaso – taliwas sa paandar ni Clavano. Para kay Fajardo, ang bigat ng kaso ay nakabatay sa kredibilidad ng mga testigo at integridad ng ebidensya. “Sa aming estimation, sa aming appreciation ng mga recantation na yan, ang aming position ay talagang wala pong kaso na, sobrang hina na,” ani Fajardo. Naniniwala ang abogado na ang binabanderang “dagdag ebidensya” ng Ombudsman ay bahagi sa tangkang buhayin ang kaso sa kabila ng pag-atras ng mga naunang testigo. “Mukhang nagsasabi lang ang tanggapan ng Ombudsman ng mga ganoong salita para sabihin na buhay pa ang kaso nito.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ombudsman Remulla, ililipat sa Korte Suprema? Bilang ng mga nasawi sa kalamidad, 34 na — OCD