ASAHAN ang paglawak ng kapangyarihan ng pamilyang naghahari sa lalawigan ng Cavite sa sandaling italaga bilang mahistrado ng Korte Suprema si Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Sa isang pitak, ibinahagi ni political strategist Lito Banayo ang posibilidad na ilipat sa Korte Suprema ang Ombudsman sa pagreretiro nina Chief Justice Alexander Gesmundo at Associate Justice Amy Lazaro-Javier sa Nobyembre. Ang basehan ni Banayo — isang hindi pinangalanang “source.” Nagpahayag naman ng agam-agam si Banayo sa posibleng kahinatnan ng kampanya ng administrasyon laban sa mga hinihinalang sangkot sa malawakan katiwalian sa likod ng tinaguriang flood control scandal tulad nina dating Budget Secretary Amenah Pangandaman, dating Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) chief Adrian Bersamin, at dating Education Undersecretary Trygve Olaivar. “So when will our honorable Ombudsman, the courageous Boying, let it all hang out? Or will the ball of justice just be dribbled until he is appointed to the Supreme Court, as reliable sources tell us, when my townmate Chief Justice Alexander Gesmundo retires come November?” ani Banayo. Una nang sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano noong nakaraang linggo na patuloy pang nangangalap ng ebidensya ang tanggapan laban kina dating Executive Secretary Lucas Bersamin, Adrian Bersamin, at Olaivar, habang iniimbestigahan pa rin si Pangandaman. Oktubre ng nakalipas na taon nang hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Marcos ang noo’y Justice Secretary na si Remulla bilang Ombudsman kapalit ng nagretirong si Samuel Martires. Sa ilalim ng umiiral na batas, sa 2032 pa matatapos ang termino ni Remulla bilang Ombudsman. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tax relief bill, ginhawa sa mga obrero — Villar Dagdag-ebidensya ng vs. Romualdez, palabas lang