HULI man daw at magaling, may pang-Jollibee pa rin. Ito ang wika ng isang guro kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa P2,000 across-the-board increase sa honoraria ng mga guro at iba pang poll workers na magsisilbi sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).
“As directed by our beloved President Bongbong Marcos, finally, our teachers and poll workers will receive a Php2,000 across the board increase on their compensation for the 2025 midterm elections,”wika ni Budget Secretary Amenah Pangandaman
“Alam po natin na sa pagbabantay ng ating mga boto, haharap sa pagod, puyat at sakripisyo ang ating mga guro at poll workers. Kaya noon pong inutusan tayo ng Pangulo na itaas ang kanilang benepisyo, hindi po tayo nagdalawang-isip”, dugtong ni Pangandaman.
“This is a realization of the directive of President BBM, who is truly committed to ensuring we provide needed support for the welfare of our teachers.”
Ibinahagi rin ng Kalihim ang halaga ng honoraria na tatanggapin ng mga tinawag niyang “katuwang para sa maayos, mapayapa at tapat na halalan.”
Para aniya sa chairman ng electoral board, P12,0000 (mula sa dating P10,000), P11,000 naman sa poll clerk at 3rd member (mula sa dating P9,000 sa poll clerk) at P8,000 sa support staff (mula sa dating P6,000).
Panawagan ni Pangandaman sa iba pang ahensya ng pamahalaan, ilabas agad ang kabayaran sa pagod at sakripisyo ng mga guro at iba pang nagbigay-serbisyo sa halalan.
“I urge the Comelec to ensure that our teachers and poll workers will get their compensation as quickly as possible. Dapat timely ang release ng kanilang benepisyo. They deserve nothing less.”
