
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahigpit na binabantayan ng Department of Information and Communication Technology ang nakaambang “digital threats” sa pagsipa ng halalan ngayong Lunes, Mayo 12, 2025.
Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro, na layon ng Pangulo tiyakin ang mapayapa, malinis at patas na resulta ng eleksyon.
Bukod aniya sa DICT, kabilang rin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Commission on Elections (Comelec) sa mga ahensyang inatasan protektahan ang integridad ng halalan.
Ayon kay Castro, bahagi ng hakbang kontra “digital threats” ang pagkakaroon ng real time digital command center para i-monitor tukuyin, pigilin, at tapusin ang online misinformation and disinformation.
Ang nasabing hakbang ay naglalayon din na isulong ang mapayapa at at tapat na eleksyon.