
TALIWAS sa karaniwang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa tuwing sasapit ang taglamig, panibagong umento sa bentahan ng gasolina ang sumalubong sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Ayon sa sa Department of Energy (DOE), asahan ang 90 sentimos na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina pagsapit ng Martes.
Gayunpaman, nilinaw ng kagawaran na hindi naman lahat apektado ng dagdag-presyo. Katunayan, mababawasan anila ng 20 sentimos ang presyo sa kada litro ng krudo at kerosene
Magkakabisa ang bagong presyo ng mga produktong petrolyo pagsapit ng Disyembre 3, 2024.