SA gitna ng puspusang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit ng 2025 midterm election, hindi bababa sa 300,000 flying voters ang nabisto sa multiple registration.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, magawang magparehistro ng mga nadiskubreng “flying voters” gamit ang residence certificates na inisyu ng mga barangay sa mga indibidwal na hindi naman residente ng nasasakupang komunidad.
“We are talking here of around 300,000 [voters] whose applications for transfer of voter registration have been approved. Even a 10,000 vote could already elect a congressman,” pahayag ni Garcia.
Para kay Garcia, walang pinag-iba sa flying voters ang mga nagparehistro sa mga lugar na hindi naman sila residente.
Gayunman, nilinaw ng Comelec chief na pwede lang kasuhan ang mga naispatang “flying voters” kung boboto sila sa halalan sa Mayo ng susunod na taon.
