SA ikalawang pagkakataon, muling nasangkot ang ambulansya ng lokal na pamahalaan ng Taytay sa isang aksidente dahil sa pagmamadali — kahit walang sakay na pasyente.
Ang biktima, limang-taong gulang na batang lalaking hindi na umabot ng buhay sa pagamutan matapos salpukin ng di umano’y rumaragasang ambulansya sa kahabaan ng Casimiro Ynares Sr. Avenue sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Taytay.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na pag-aari ng Barangay Sta. Ana ang ambulansyang ayon sa mga saksi ay walang sakay na pasyente nang mabundol ang hindi pinangalanang batang biktima dakong alas 7:00 ng gabi sa Purok Dos ng Barangay Sta. Ana.
Kwento ng mga nakakita ng pangyayari, mabilis ang patakbo ng sasakyan habang tumatawid ang biktimang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo.
Kasalukuyan naman nakapiit ang tsuper ng ambulansya para sa paghahain ng kaso.
Ilang buwan na ang nakalipas nang masangkot naman ang ambulansya ng munisipyo sa isang aksidente sa karatig bayan ng Cainta.
