SA ikapitong sunod na linggo, muling magpapataw ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis sa binebentang produktong petrolyo sa merkado.
Sa abiso ng mga oil players, tataas papatawan ng P1.20 dagdag-presyo ang kada litro ng gasolina haang 70 sentimos kada litro naman ang inaasahang umento sa kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto ng mga establisyemento at mga tahanan ng pangkaraniwang mamamayan.
Gayunpaman, walang inaasahang paggalaw sa presyo ng krudo na ginagamit ng mga pampublikong sasakyan.
Katwiran ng mga oil players sa panibagong dagdag-presyo, economic slowdown ng China, bahagyang pagbaba ng demand, ang pagkakaroon ng US inflation at ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman