INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Makati at Taguig na tulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa ginagawang paghahanda para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa isang memorandum, naglabas ng direktiba ang DILG at inatasan ang mga naturang pamahalaang lungsod na pagkalooban ng kaukulang tulong at suporta ang poll body sa mga bagay na may kinalaman sa eleksyon – partikular sa paglipat ng pangangasiwa sa Taguig ng 10 barangay na dating sakop ng Makati
Pasok din sa dirtektiba ng Comelec ang pagsasaayos ng sistema para sa nakatakdang paghahain ng certificates of candidacy (COC); residency requirements; at lokasyon ng mga polling place.
Anang Comelec, hindi na kailangan pang magrehistrong muli ng mga botante sa mga apektadong barangay para sa halalan dahil otomatiko na silang malilipat sa Taguig City.
Ang BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.