SA gitna ng walang puknat na pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin, inatasan ng Malakanyang ang mga Regional Tripartite Wage and Productivity Board na pag-aralan ang posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa labas ng Metro Manila. Partikular na tinukoy ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga hinaing ng mga manggagawa sa mga lalawigan kung saan higit na mababa ang sahod kumpara sa kabisera. Bilang patunay, ibinida ni Castro ang mga umano’y isinasagawang konsultasyon sa hangarin balansehin ang umiiral na sahod at presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Garantiya ng opisyal, magkakaroon ng panibagong pagpupulong sa Nobyembre 13 at November 20 para sa isasagawang public hearing kasama ang mga employer at mga kinatawan mula sa sektor ng mga manggagawa. Gayunpaman, hindi sinabi ni Castro kung kailan ipapatupad ang dagdag-sahod sa mga lalawigan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga Pinoy abangers sa guilty verdict kay Duterte P8.8-B ‘line items’ sa DPWH budget kakalusin ng senado