HINDI titigil ang administrasyong Marcos hanggat buhay pa ang hanging sagabal sa planong manatili sa kapangyarihan higit pa sa takdang panahon ng termino.

Ito ang buod ng mensahe ni Atty. Paolo Panelo kasabay ng ibinahaging impormasyon hinggil sa umano’y pagdukot sa isang dating empleyado ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Panelo na tumatayong tagapagsalita ni Duterte, nakatanggap umano ang pangalawang pangulo ng mensahe mula sa account ng isang dating household staff na nagpapasaklolo sa Maynila.

Ayon kay Panelo, dakong alas 11:19 ng gabi ng Nobyembre 16 nang makatanggap ng text message si Duterte.

“The sender claimed to be in the custody or under the control of certain individuals who allegedly told them about a threat to their life,” wika ng abogado.

“The former staff member further narrated that they were being forced to sign a document, which they had refused to execute,” dagdag ni Panelo.

Aniya, inaalam pa ang kinaroroonan ng nasabing tauhan ni Duterte.

Paglilinaw ni Panelo, patuloy na bineberika ng kampo ni Duterte ang kalagayan ng hindi pinangalanang indibidwal.

Para kay Oanelo, lubhang nakababahala ang umano’y panggigipit ng administrasyon, jasabay ng pagbanggit sa sinapit ni Jefry Tupas noong Setyembre 29.

Ayon kay Panelo, sinabi umano noon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Tupas na may banta sa kanyang buhay bago ang tangkang pagdukot parungo sa Maynila.

“We are deeply concerned that this incident may be part of what we believe to be a relentless campaign by the Marcos administration, utilizing state institutions like the NBI, against the Vice President,” pahayag ng abogadong tagapagsalita ni VP Sara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *