SA hangaring tukdukan ang usap-usapan sa umano’y pagkahumaling sa droga, inatasan ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sagutin ang petisyong naglalayong obligahin ang punong ehekutibo sumailalim sa hair follicle drug test.
Sa atas ng Korte Suprema, binigyan si Marcos ng “10 non-extendible days” para magsumite ng komento
Bukod kay Marcos, target din ng petisyong inihain ni dating Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez, si Executive Secretary Ralph Recto.
“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” ayon sa Korte sa isang press briefer noong Miyerkules.
Hiniling din ng petisyon na ilahad at isapubliko ang medical report na magpapatunay na “physically and mentally fit” ang Pangulo na gampanan ang kanyang mga tungkulin sa Palasyo.
