MAHINANG piso ang isa sa mga nakikitang dahilan ng Department of Energy (DOE) sa nakaambang bonggang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo pagsapit ng araw ng Martes.
Sa pagtataya ng DOE, posibleng lampas P2 kada litro ang dagdag sa presyo ng krudo na karaniwang gamit sa pampublikong transportasyon, sa mga pabrika at maging sa paglikha ng enerhiya para sa bansa.
Bukod sa pagbagsak ng halaga ng piso, malaking epekto din umano ang pagsisimula ng panahon ng bagyo sa Estados Unidos. Anang DOE, apektado ng masamang panahon ang pasilidad ng langis ng US sa Gulf of Mexico.
Bukod sa krudo, asahan din ang P1.50 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.20 naman ang posibleng umento sa kerosene.
Naantala rin ang dapat sana’y pagtaas ng produksyon ng langis sa mga bansang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).